Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Monday, April 28, 2025 · 807,533,099 Articles · 3+ Million Readers

Gatchalian to LGUs: Ensure Safety of Children Amid Volcanic Activity

PHILIPPINES, April 28 - Press Release
April 28, 2025

Gatchalian to LGUs: Ensure Safety of Children Amid Volcanic Activity

Senator Win Gatchalian is calling on all affected local government units to help ensure the safety of children when volcanoes erupt. Just this morning, Bulusan Volcano spewed ash in a phreatic eruption. Kanlaon Volcano also experienced recent eruptions, with the latest occurring on April 8, 2025.

"Tuwing may nagaganap na sakuna, ang mga bata ang kadalasang lubos na naaapektuhan. Bukod sa pagkaantala ng kanilang pagpasok sa paaralan, sila rin ay nakararanas ng matinding psychological trauma o stress. Kaya't mahalagang gawin nating prayoridad ang kanilang kalagayan at kapakanan. Dapat din nating tiyakin na sila ay nasa mga ligtas na espasyo at natatanggap ang mga pangunahing pangangailangan," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education.

Gatchalian emphasized the importance of ensuring safe and child-friendly spaces for children who need to be evacuated. He also highlighted the need to provide adequate food, water, and medicine, as well as sanitary and hygiene kits. Gatchalian further pointed out the need to ensure learning continuity and deliver psychosocial first aid to affected children.

Moving forward, Gatchalian pressed the need to realize the goal of the Ligtas Pinoy Centers Act (Republic Act No. 12076), a law that he co-authored and co-sponsored. The law mandates the establishment of evacuation centers in all cities and municipalities nationwide.


Kaligtasan ng mga batang apektado ng pagputok ng bulkan pinatitiyak ni Gatchalian

Hinihimok ni Senador Win Gatchalian ang mga apektadong local government units (LGUs) na tiyakin ang kaligtasan ng mga batang apektado ng pagputok ng bulkan. Bumuga ng abo ang Bulusan Volcano kaninang umaga kasunod ang isang phreatic eruption, samantalang nagkaroon din ng mga serye ng pagputok ang Kanlaon Volcano noong nakaraang mga linggo.

"Tuwing may nagaganap na sakuna, ang mga bata ang kadalasang lubos na naaapektuhan. Bukod sa pagkaantala ng kanilang pagpasok sa paaralan, sila rin ay nakararanas ng matinding psychological trauma o stress. Kaya't mahalagang gawin nating prayoridad ang kanilang kalagayan at kapakanan. Dapat din nating tiyakin na sila ay nasa mga ligtas na espasyo at natatanggap ang mga pangunahing pangangailangan," ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education.

Binigyang diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga ligtas at child-friendly na mga espasyo para sa mga kabataang kailangang ilikas. Kailangan rin aniyang tiyaking may sapat na pagkain, tubig, gamot, sanitary at hygiene kits para sa mga bata. Dagdag pa ni Gatchalian, mahalagang matiyak ding nagpapatuloy ang edukasyon at makapaghatid ng psychological first aid para sa mga apektadong bata.

Ayon pa kay Gatchalian, mahalaga ring matupad ang layunin ng Ligtas Pinoy Centers Act (Republic Act No. 12076), isang batas kung saan isa siya sa mga may akda at co-sponsor. Mandato ng naturang batas ang pagkakaroon ng mga evacuation center sa lahat ng mga lungsod at munisipalidad sa bansa.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release