
Sen. Robin Hopes Government Will Heed OFWs' Concerns on Online Voting
April 11, 2025
Sen. Robin Hopes Government Will Heed OFWs' Concerns on Online Voting
Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla called on the government late Thursday to pay attention to the fears of overseas Filipino workers (OFWs) about the online voting system that will be used for the May 2025 elections.
At a press conference in Quezon City, Padilla narrated this was the sentiment he gathered when he talked to OFWs in some countries in Europe and the Middle East.
"Itong issue ng online, sa totoo lang, ako ay galing sa ibang bansa. Nanggaling ako The Hague, Germany, Poland, Qatar at ibang lugar ... Lahat sila, ang pakiusap, gusto nila yung dati nilang ginagawa, kung anong kinaugalian nila (On the issue of online voting, I went to The Hague, Germany, Poland and other places. The OFWs there told me they are more comfortable with the older way of doing things)," he said.
"Hindi ako nandito para makipagkontrahan sa Comelec. Ang puso ng OFW medyo alanganin sila sa online (I am not here to pick a fight with the Commission on Elections, but the OFWs have reservations about online voting)," he added.
Padilla added some of the OFWs he talked to are considering boycotting the elections, but he tried to talk them out of it.
He stressed it is important that the OFWs cast their votes. He added he was prepared to accompany them in enrolling for voting in the midterm polls.
"Kahit ako na sumama sa inyo mag-enrol kayo sapagka't kailangan ninyong bumoto (I am prepared to accompany them to enrol because they need to vote)," said Padilla.
"Pero sana po sa ating namumuno sa bayang ito lalo sa Comelec, intindihin nyo sana ang damdamin ng ating OFW. Yan din hiling namin sa Korte Suprema (But I hope the authorities especially the Comelec will understand our OFWs. That is the same request we made to the Supreme Court)," he added.
Padilla said it will be better if the proper authorities set aside time to listen to and address the OFWs' concerns.
Meanwhile, Padilla reminded the public that they will be the most powerful in the land on Election Day. Thus, he said they must choose their leaders wisely.
"Mga mahal kong kababayan yan ang kapangyarihan nyo sa araw na yan... kaya ang pakiusap ko sa inyo, maging mapagbantay kayo, maging mapagmatyag, dahil sa araw na yan pag boto niinyo una ay di nabilang o ang boto naiba, ibig sabihin niyan ay tinanggalan kayo ng kapangyarihan (My dear countrymen, you are the most powerful people on Election Day. Thus I request you to be discerning and to make sure your votes are counted properly)," he said.
"Dapat ipaglaban ninyo ang kapangyarihan ninyong yan dahil yan ang magdedesisyon ng kinabukasan ng ating bayan. Wag nyo ipagpapalit ang araw na yan dahil yan ang araw ninyo (You must fight for your right to vote because that will shape the future of our country. Do not exchange it for something else because Election Day is your day)," he added.
Sen. Robin: Pakinggan Sana ang Hinaing ng mga OFW tungkol sa Online Voting
Nanawagan si Sen. Robinhood "Robin" C. Padilla nitong Huwebes ng hapon na pakinggan ng mga kinauukulan ang pangamba ng mga overseas Filipino workers (OFWs) tungkol sa online voting sa darating na halalan.
Sa pulong pangbalitaan sa Quezon City, ikinuwento ni Padilla na sa mga nakausap niyang OFW sa ilang bansa sa Europa at Gitnang Silangan, mas kampante sila sa dating ginagawa at hindi sa online voting.
"Itong issue ng online, sa totoo lang, ako ay galing sa ibang bansa. Nanggaling ako The Hague, Germany, Poland, Qatar at ibang lugar ... Lahat sila, ang pakiusap, gusto nila yung dati nilang ginagawa, kung anong kinaugalian nila," aniya.
"Hindi ako nandito para makipagkontrahan sa Comelec. Ang puso ng OFW medyo alanganin sila sa online," dagdag niya.
Ani pa ni Padilla, ilan sa mga OFW ay nag-iisip na mag-boycott sa halalan, kung kaya't kailangan niyang pakiusapan ang mga OFW na huwag mag-boycott.
Iginiit niya na mahalagang makapagboto sila, at handa siyang sumama sa kanila sa pag-enrol para bumoto sa Mayo.
"Kahit ako na sumama sa inyo mag-enrol kayo sapagka't kailangan ninyong bumoto," ayon kay Padilla.
"Pero sana po sa ating namumuno sa bayang ito lalo sa Comelec, intindihin nyo sana ang damdamin ng ating OFW. Yan din hiling namin sa Korte Suprema," dagdag niya.
Aniya, mas mainam kung mabigyan ng "tamang panahon at oras" ang mga OFW para matugunan ang kanilang mga pangamba.
Samantala, pinaalalahanan ni Padilla ang sambayanan na sila ang pinakamakapangyarihan sa araw ng eleksyon, kung kaya't dapat silang mamili nang mabuti kung sino ang mamumuno sa kanila.
"Mga mahal kong kababayan yan ang kapangyarihan nyo sa araw na yan... kaya ang pakiusap ko sa inyo, maging mapagbantay kayo, maging mapagmatyag, dahil sa araw na yan pag boto niinyo una ay di nabilang o ang boto naiba, ibig sabihin niyan ay tinanggalan kayo ng kapangyarihan," aniya.
"Dapat ipaglaban ninyo ang kapangyarihan ninyong yan dahil yan ang magdedesisyon ng kinabukasan ng ating bayan. Wag nyo ipagpapalit ang araw na yan dahil yan ang araw ninyo," dagdag niya.

Distribution channels:
Legal Disclaimer:
EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.
Submit your press release